Mahalagang maunawaan kung paano mabigyang pansin ang mga panganib at peligro sa tabing-dagat baybayin at matuto kung paano manatiling ligtas upang magkaroon tayo ng isang masayang araw sa tabing-dagat.

quote icon

Mahalagang malaman ang lahat ng mga iba’t-ibang peligro at panganib sa tabing-dagat katulad ng mga alon na may koryenteng humihila patungo sa dagat, mga bumabagsak na daluyong, mainit na araw, mga blue bottle jellyfish (dikya) at pating bago umalis ng bahay.

quote icon
waves 2

Anong uri ng mga peligro at panganib ang umiiral sa tabing-dagat?

What is a rip current? Image of waves breaking on to a beach

RIP CURRENTS (mga malalakas na daloy ng alon patungo sa dagat)
Ang mga rip current ay malalakas na daloy ng alon palayo sa tabing dagat mula sa surf zone. Ang mga ito ang pangunahing panganib sa mga tabing-dagat ng Australya. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang isang rip ay ang paglalangoy lamang sa tabing-dagat na may nagroronda, sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat.
waves 2

BREAKING WAVES (pagputok ng mga alon)
Kapag ang mga malalaking alon ay umabot sa mababaw na tubig, itinutulak na paitaas ang sarili hanggang pumutok. Ito ang sandaling mawasak ang alon. Mayroong tatlong uri ng mga breaking wave, ang bawat isa ay magkakaiba. Sa anumang tabing-dagat, karaniwang magkakaroon ng isang kombinasyon ng tatlong uri ng mga alon: sumisisid o tumatapon (plunging or dumping), umaagos o gumugulong (spilling or rolling), at mga sumusugod (surging) na mga alon. Ang mga malalakas na tumatapon at mga sumusugod na alon ay maaaring mapanganib dahil ang mga ito ay maaaring malaki at biglaan.
sunglasses

INIT AT ARAW
Ang tag-init sa Australya ay kasingkahulugan ng mga araw na mahaba, mainit at maaraw. Ibig sabihin nito na nadaragdagang ang pagkakalantad sa init at pontensyal na mapanganib na UV rays. Upang matamasa ang tabing-dagat, mahalagang sundin mo ang ilang mga mga simpleng hakbang pagdating sa kaligtasan sa araw – laging siguraduhin na naglalagay ka ng sunscreen na di-kukulang sa 20 minuto bago magtungo sa labas at muling magpahid bawat ilang oras.
bluebottle

MGA BLUEBOTTLE JELLYFISH
Ang bluebottle (Physalia) ay marahil ang pinaka-kilalang jellyfish sa baybayin ng Australya. Ang kanilang asul, mala-lobo na layag ay lumulutang sa itaas ng tubig at nakakabit sa isang mahabang galamay (tentacle) na umaabot sa ibaba nito. Ang galamay na ito ay nababalutan ng mga selyula na tumutusok na tinatawag na nematocysts. Kapag nahihipo nito ang balat ng tao, nag-iiniksyon ito ng kaunting lason na sanhi ng pangangati at maaaring magiging makirot.
blue ringed octopus

BLUE-RINGED OCTOPUS (kurita)
Habang ang blue-ringed octopus ay maaaring mukhang maliit at maganda, maaari itong nakamamatay. Ang mga ito ay labis na napakahusay na magbabalatkayo sa mga batuhan at ipinapakita lamang ang kanilang mga asul na singsing kapag nanganganib. Ang blue-ringed octopus ay karaniwang nagtatago sa mga mababaw na mga rock pool sa mga lugar na bumababa at tumaas ang tubig-dagat (inter-tidal) sa buong paligid ng Australya.
shark

MGA PATING
Maraming uri ng mga pating sa paligid ng Australya. Karamihan ay hindi nakapipinsala sa mga tao. Bagaman natatakot ang mga tao sa mga pating, ang mga ito ay mahalagang bahagi ng malusog na kapaligiran (ecosystem). Ang mga pag-atake ng mga pating ay napakabihira at kung susundin mo ang aming mga paala-ala tungkol sa kaligtasan, ang panganib ay mas mababa pa. Ang pinakaligtas na bahagi ng tabing-dagat ay ang lugar sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat kung saan ang mga sinanay na lifesaver at lifeguard ay matalim ang pagbabantay sa laban sa mga pating. Kung may makita silang isang pating, ang mga lifesaver at lifeguard ay kaagad na magtaas ng mga babala: magtutunog ng sirena o kampana, itataas ang pula at puting watawat at ihayag sa iyo na umalis kaagad sa tubig.

KAPAG NATUSOK NG BLUEBOTTLE

Alisin ang anumang mga sumigi (stingers) at galamay (tentacles) na natitira pa rin sa bahagi at banlawan ng tubig dagat. Ilagay ang bahagi sa mainit na tubig ng 20 minuto. Kung wala kang mainit na tubig, gumamit ng mga pakete ng yelo.

bluebottle 2
quote icon

Ang mga lifesaver at lifeguard ay mga sinanay na tauhan na nagroronda sa mga tabing-dagat, nagbibigay ng mga serbisyo ng kaligtasan sa mga tabing-dagat at tumutulong na mapanatili tayong ligtas at masaya!

quote icon
Surflifesavers

Mga paala-ala (tips) ng mga lifesavers upang manatiling ligtas sa tabing-dagat!

red and yellow flag

Palaging lumangoy sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat
Inilalagay ng mga lifesaver ang mga watawat kung saan ligtas ang lumangoy at minamanmanan nila itong lugar at mapapansin kapag ikaw ay nangangailangan ng tulong.
beach signage

Hanapin ang mga paskil pangkaligtasan sa dalampasigan
Ang mga lifesaver ay naglalagay ng mga palatandaan sa dalampasigan upang ipaalam sa iyo ang anumang mga panganib na maaaring naroroon – tiyakin na nakita mo ang mga palatandaang ito bago pumasok sa tubig.
image61

Kumustahin ang isang lifesaver
Pagdating mo sa beach, puntahan at kumustahin ang mga lifesaver – naroroon sila upang tumulong at gusto nilang makilala ang mga bagong tao at sagutin ang iyong mga katanungan.
having fun in the water

Huwag lumangoy nang mag-isa
Palaging lumangoy na may kasamang kaibigan o taong may sapat na gulang at huwag lumusong sa tubig nang nag-iisa.
image52

Kapag ikaw ay nagkaproblema habang nasa tubig, manatiling kalmado at itaas ang iyong mga kamay.
Maaaring nakakatakot ang nasa karagatan na hindi maaabot ang ilalim, ngunit tandaan na manatiling kalmado at itaas ang iyong mga braso para matulungan. Subukan ang lumutang at kung sa palagay mo ay hinihila ka palayo sa baybayin, iwasan ang lumangoy laban sa kuryente – mapapagod ka lamang at mahihirapan na mananatiling nakalutang.
making a phone call

Sa oras ng panganib – tawagan ang 000
Kung hindi ka magaling na lumangoy, huwag subukang iligtas ng ibang tao na nasa panganib – laging humingi ng tulong – kung walang lifesaver, tumawag sa 000. Maaari kang tumulong sa iba sa pamamagitan ng paghagis sa kanila ng isang bagay na mahahawakan na kagaya ng isang board o cooler box na walang laman. Tumingin sa paligid, maraming mga dalampasigan ang may mga nakalagay na pulang kagamitan na pampalutang (red floatation device) na magagamit ng publiko.

Mga paala-ala sa kaligtasan sa Tabing-dagat at Karagatan mula sa iyong komunidad.

Siyasatin ang aming mga mahahalagang paala-ala (tips) upang lalong malaman ang tungkol sa kung paano mo masigurong handa ka para sa isang ligtas at kasiya-siyang araw sa tabing-dagat.

Ano pa ang nais mong malaman ngayon?

Ang mga panganib ng mga daluyong patungo sa dagat (rip current)

Ang mga rip current ang pangunahing panganib ng mga tabing-dagat sa Australya. Ang kaalaman kung paano makaligtas sa isang rip ay isang mahalagang bahagi ng kaligtasan sa tabing-dagat.

Kaligtasan ng Pangingisda sa Batuhan (Rock Fishing)

Ang rock fishing ay isang patok na libangan para sa maraming tao. Ang kaalaman kung paano manatiling ligtas habang nag-rock fishing ay napakamahalaga sa kaligtasan.

Manatiling ligtas sa tabing-dagat

Ang kaalaman kung paano manatiling ligtas at kung ano ang dapat bigyang pansin kapag ikaw ay nasa tabing-dagat ay makakatulong sa iyo upang manatiling ligtas at magkaroon ng isang kasiya-siyang panahon kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya.

Matuto mula sa aming komunidad

Kilalanin ang aming komunidad at alamin ang ilang mahahalagang mensaheng pangkaligtasan sa tabing-dagat mula sa aming mga nagliligtas-buhay (Lifesavers) sa tabing-dagat.

Mga bagay na dapat malaman kapag pupunta sa tabing-dagat kasama ang mga bata.

Ang tabing-dagat ay isang kaakit-akit na lugar para magsaya at maglibang ang mga bata. Kung may balak kang pumunta sa tabing-dagat kasama ang mga maliliit na bata, mahalagang malaman kung paano maprotektahan sila at panatilihing ligtas sila.

Paghahanda para sa isang araw sa tabing-dagat.

Ang pagpunta sa tabing-dagat ay napakasaya, ngunit mahalagang maghanda bago ka umalis sa bahay. Siyasatin ang aming mga mahahalagang paala-ala (tips) upang lalong malaman ang tungkol sa kung paano mo masigurong handa ka para sa isang ligtas at kasiya-siyang araw sa tabing-dagat.