Naaliw ka bang mag-rock fishing? Ang rock fishing ay isang patok na paglilibang para sa marami ngunit maaari itong mapanganib. Basahin ang pahinang ito upang malaman ang tungkol sa kung paano mo mapapanatiling ligtas ang iyong sarili, mga kaibigan at pamilya.

Paano ako makakapili ng isang ligtas na lugar upang mag-rock fishing?

  • Siyasatin ang mga kundisyon bago ka umalis ng bahay. I-download ang Beachsafe app o tingnan ang Bom.gov.au.
  • Ano ang itsura ng taas ng tubig? Maaaring bahain ng mataas na tubig at malalakas na alon ang iyong lugar para sa rock fishing pati ang lagusan ng tubig, at maaari kang makulong, madulas, o matangay mula sa mga bato.
  • Gaano kalaki ang mga alon? Ang mga malalaking o matataas na alon ay maaaring mapanganib at biglaan. Ang ilang mga malalaking alon ay maaaring maglakbay mula sa makalayo at hindi mapapansin hanggang malakas na babagsak sa pampang. Itong mga biglaang pagtaas ng alon ay maaaring mangyari kahit na maaraw, at parang kalmado.
  • Gaano kalakas ang hangin? Hindi lamang lilikha ng malalaking alon ang malakas na hangin, maaari rin nitong gawing mahirap sa iyo na manatiling nakatayo sa basa at madulas na mga bato nang hindi itinutulak at posibleng mahulog sa panganib.
  • Ito ba ay isang nakasilong na lugar? Kung nangingisda ka sa isang nakalantad na lugar sa panahon ng maalon na dagat, palaging subukan na makahanap ng isang kalmado at mas nasisilungan na lugar upang mangisda. Huwag ilagay ang sarili sa panganib na nasa nakalantad na lugar.

Palaging siyasatin ang lagay ng panahon at kundisyon bago ka umalis ng bahay.

Magdala ng mga bagay na magpapanatiling ligtas ka sa dalampasigan

lifejackets

Lifejacket

Palaging magsuot ng isang naaprubahang life jacket, ililigtas nito ang iyong buhay kung mahulog ka sa tubig. Ito ang batas at may multa sa hindi pagsusuot ng mga ito. Siguraduhin na alam mong gamitin ang iyong lifejacket – maraming pagkalunod ang nagaganap dahil hindi alam ng mga tao kung paano gamitin ang kanilang mga kagamitang pangkaligtasan.
nonslip shoes

Mga sapatos na hindi madulas at Magaan na kasuotan

Ang hindi madulas na kasuotan sa paa ay mahalaga sa basa, madulas na mga bato. Huwag magsuot ng bota dahil ang mga ito ay mapupuno ng tubig at mas mabilis kang lumubog. Ang mabigat na kasuotan ay maaaring nababad ng tubig, at gagawing napakahirap na manatiling nakalutang kapat nahulog ka.
rescue device 2

Lubid o kagamitan sa paglutang

Karamihan sa mga lugar na may rock fishing ay mayroong isang ‘angel ring’ na magagamit sa oras ng panganib. Ang pagdadala ng sarili mong lubid o kagamitan sa paglutang ay maaaring kapaki-pakinabang sa emerhensya upang iligtas o hilahin ang isang tao mula sa tubig. Laging maging handa.

Huwag magdala ng alak.

Tiyaking mayroon kang maraming tubig-inumin upang mapanatiling may sapat na tubig sa katawan. Iwasan ang alak habang nagra-rock fishing dahil maaaring nakakasama ito sa iyong kakayahan na mag-isip nang malinaw at gumawa ng tamang desisyon. Ang alak ay nagpapabagal sa iyong reaksyon at nagpapataas ng iyong pagkakataong magkaproblema habang nasa tubig.

Beer

Paano manatiling ligtas habang nagra-rock fishing...

  • Bigyang pansin ang mga babala ng panganib at kagamitan sa pagligtas. Ang mga lifeguard ng Konseho ay naglalagay ng mga babala sa paligid ng mga lugar ng pangingisda upang ipagbigay-alam sa iyo ng anumang mga panganib na maaaring naroroon. Siguraduhin mong tingnan ang mga babalang ito bago ka mag-umpisang mangisda. Karamihan sa mga lugar ng rock fishing ay mayroong isang malapit na ‘angel ring’ upang magamit sa emerhensya.
  • Obserbahan ang lugar bago ka magsimula. Magpalipas ng hindi bababa ng 20 minuto na pagmamasid sa kundisyon at sa iyong nakaplanong lugar ng pangingisda bago magsimula. Kung parang napakasama o hindi mahulaan, maghanap ng ibang lugar.
  • Huwag nag-iisang mangingisda. Laging may kasamang isang kaibigan o isang pangkat sa pangingisda. Dapat mong laging ipagsabi sa iba kung saan ka pupunta at anong oras ka nila asahang babalik.
  • Matutong lumangoy, matutong lumutang, matutong mabuhay. Ang pag-aaral na lumangoy, manatiling kalmado at lumutang ay makakatulong upang manatiling mas ligtas kung mahulog ka man sa karagatan o kung sakaling matangay ka habang nagra-rock fishing - hindi pa huli ang lahat upang matutong lumangoy.
  • Pumili ng isang ligtas na lugar at magplano ng daan ng pagtakas. Patuloy na subaybayan ang mga kundisyon dahil maaari itong mabilis na magbago at huwag kang tatalikod sa karagatan dahil maaaring biglang magkaroon ng malalaking alon. Laging magplano ng isang ligtas na paraan ng paglikas kung sakaling ikaw ay matangay.
  • Kung matangay ka sa karagatan, manatiling kalmado at maghanap ng maahunan. Kung matangay ka, manatiling kalmado at lumangoy nang papalayo mula sa mga bato. Maghanap ng isang ligtas na lugar upang makabalik sa pampang o manatiling nakalutang at maghintay para sa tulong na darating.
  • Kung may nakita kang tao na natangay sa karagatan, HUWAG tumalon sa tubig. Maaari kang makatulong sa iba sa pamamagitan ng paghagis sa kanila ng isang bagay na malulutangan. Tingnan ang paligid, maraming mga lugar ng pangingisda ang may mga pulang kagamitan sa paglutang (katulad ng angel ring) na maaaring magamit ng publiko. Humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag ng triple zero (000). Palaging tiyakin na alam mo ang iyong eksaktong lokasyon.

Palaging siyasatin at subaybayan ang mga kundisyon...

Panoorin ang video na ito kung saan ipapakita sa iyo kung paano kabilis ang pagtaas ng swell (mga alon) na lumilikha ng panganib sa platapormang kinatatayuan mo.

quote icon

Ang pinakaligtas na oras upang mangisda ay sa araw, na maliwanag ng araw at malinaw ang paningin. Ang pag-rock fishing sa oras ng takipsilim at madaling araw at sa gabi ay maaaring mapanganib at ang mga pagliligtas ay lalong mas mahirap sa mahinang ilaw at madilim na mga kondisyon.

quote icon
fishing at night2

Tandaan na hindi pa huli ang lahat upang matutong lumangoy.

Matutong lumangoy, matutong lumutang, matutong mabuhay. Ang pag-aaral na lumangoy at pag-aaral na manatiling kalmado at lumutang ay makakatulong sa iyo

Ano pa ang nais mong malaman ngayon?

Ang mga panganib ng mga daluyong patungo sa dagat (rip current)

Ang mga rip current ang pangunahing panganib ng mga tabing-dagat sa Australya. Ang kaalaman kung paano makaligtas sa isang rip ay isang mahalagang bahagi ng kaligtasan sa tabing-dagat.

Kaligtasan ng Pangingisda sa Batuhan (Rock Fishing)

Ang rock fishing ay isang patok na libangan para sa maraming tao. Ang kaalaman kung paano manatiling ligtas habang nag-rock fishing ay napakamahalaga sa kaligtasan.

Manatiling ligtas sa tabing-dagat

Ang kaalaman kung paano manatiling ligtas at kung ano ang dapat bigyang pansin kapag ikaw ay nasa tabing-dagat ay makakatulong sa iyo upang manatiling ligtas at magkaroon ng isang kasiya-siyang panahon kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya.

Matuto mula sa aming komunidad

Kilalanin ang aming komunidad at alamin ang ilang mahahalagang mensaheng pangkaligtasan sa tabing-dagat mula sa aming mga nagliligtas-buhay (Lifesavers) sa tabing-dagat.

Mga bagay na dapat malaman kapag pupunta sa tabing-dagat kasama ang mga bata.

Ang tabing-dagat ay isang kaakit-akit na lugar para magsaya at maglibang ang mga bata. Kung may balak kang pumunta sa tabing-dagat kasama ang mga maliliit na bata, mahalagang malaman kung paano maprotektahan sila at panatilihing ligtas sila.

Paghahanda para sa isang araw sa tabing-dagat.

Ang pagpunta sa tabing-dagat ay napakasaya, ngunit mahalagang maghanda bago ka umalis sa bahay. Siyasatin ang aming mga mahahalagang paala-ala (tips) upang lalong malaman ang tungkol sa kung paano mo masigurong handa ka para sa isang ligtas at kasiya-siyang araw sa tabing-dagat.