Ang mga rip current ay ang pinakamalaking sanhi ng mga pagkakalunod at pagliligtas bawat taon. Ang pag-alam kung ano ang mga ito at kung paano makalabas sa isa ay mahalaga sa pagpapanatiling ligtas sa tabing-dagat.

Ang mga rip ang numero unong panganib sa mga tabing-dagat ng Australya.

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang isang rip ay ang paglalangoy lamang sa tabing-dagat na may nagroronda, sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat.

What is a rip current?

Paano MAKILALA ang isang rip current (alon na de-kuryente)

Ang mga rip current ay isa sa mga pinakamapanganib na peligro sa mga tabing-dagat ng Australya, maraming mga tao ang nalulunod sa mga ito taon-taon. Ang pinakamahusay na maaari mong gawin para sa iyo at ang iyong pamilya ay ang palaging paglangoy sa pagitan ng pula at dilaw na watawat. Ang mga lifesaver ay naglalagay ng mga watawat sa pinakaligtas na bahagi ng beach at sinusubaybayan ang lugar na may flag sa buong araw. Ang karagdagang pag-aaral tungkol sa mga rip at kung paano makilala ang mga ito ay maaaring makakatulong din sa iyo na manatiling ligtas. Panoorin ang video na ito upang matuto nang higit pa.

Palaging obserbahan ang mga palatandaan.

Ang isang paraan upang maiwasan ang mga rip ay ang pagbibigay-pansin sa mga karatula – ang mga Lifesaver at Lifeguard ay maglalagay ng mga karatula sa beach upang bigyan ka ng babala sa mga mapanganib na kondisyon tulad ng mga rip current. Upang maging ligtas, palaging lumangoy sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat.

rip-tide-warning-sign

Paano makaligtas sa isang rip current

Habang mabuti na malaman kung paano mo makilala ang isang rip current, mas mahalaga pa ring malaman kung paano makaligtas kung sakaling mahila ka ng isa, lalo na kung walang tao sa paligid na makakatulong sa iyo. Ang pagpapanatiling kalmado, subukin na lumutang at huwag labanan ang kuryente ay ilan sa mga pinakamahusay na bagay na magagawa mo. Panoorin ang video na ito upang matuto nang higit pa.

Ano ang nais mong malaman ngayon?

Ang mga panganib ng mga daluyong patungo sa dagat (rip current)

Ang mga rip current ang pangunahing panganib ng mga tabing-dagat sa Australya. Ang kaalaman kung paano makaligtas sa isang rip ay isang mahalagang bahagi ng kaligtasan sa tabing-dagat.

Kaligtasan ng Pangingisda sa Batuhan (Rock Fishing)

Ang rock fishing ay isang patok na libangan para sa maraming tao. Ang kaalaman kung paano manatiling ligtas habang nag-rock fishing ay napakamahalaga sa kaligtasan.

Manatiling ligtas sa tabing-dagat

Ang kaalaman kung paano manatiling ligtas at kung ano ang dapat bigyang pansin kapag ikaw ay nasa tabing-dagat ay makakatulong sa iyo upang manatiling ligtas at magkaroon ng isang kasiya-siyang panahon kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya.

Matuto mula sa aming komunidad

Kilalanin ang aming komunidad at alamin ang ilang mahahalagang mensaheng pangkaligtasan sa tabing-dagat mula sa aming mga nagliligtas-buhay (Lifesavers) sa tabing-dagat.

Mga bagay na dapat malaman kapag pupunta sa tabing-dagat kasama ang mga bata.

Ang tabing-dagat ay isang kaakit-akit na lugar para magsaya at maglibang ang mga bata. Kung may balak kang pumunta sa tabing-dagat kasama ang mga maliliit na bata, mahalagang malaman kung paano maprotektahan sila at panatilihing ligtas sila.

Paghahanda para sa isang araw sa tabing-dagat.

Ang pagpunta sa tabing-dagat ay napakasaya, ngunit mahalagang maghanda bago ka umalis sa bahay. Siyasatin ang aming mga mahahalagang paala-ala (tips) upang lalong malaman ang tungkol sa kung paano mo masigurong handa ka para sa isang ligtas at kasiya-siyang araw sa tabing-dagat.